Da Couch Tomato

An attempt at a new layout, with horrible glitches, and very minimal knowledge of HTML.

Episode Recap: Game of Thrones Season 6 Finale: "The Winds of Winter"

HBO
"Aray... ipantay mo ha!"

Q: Ano ang tawag sa akusadong hindi um-attend ng kanyang paglilitis?
A: Slippery bitch.

HBO
"I know, right?"

Ang lupit mo, Mareng Cersei. Slow clap. Ikaw nga talaga ang the son Tywin Lannister never had. Pero sige, nanalo ka ngayon. Napatay mo ang marami sa mga kalaban mo sa King’s Landing. Deads na si Margaery Tyrell. Si High Sparrow. Si Kevan Lannister. At iba pa. Hindi lang 7 in one blow; more like 700 in one blow. Galing.

HBO
Kaboom.

Wala sa konsepto mo, Queen Cersei, ang salitang “trabaho lang”. Namemersonal ka e. Pero anong kapalit naman nito? Patay na rin si Tommen. Dahil sa’yo. Yes, nakuha mo ang Iron Throne. Pero masakit sa puwit, ‘di ba? Buti nga sa’yo, punyeta ka.

HBO
"Maester, pakilagyan nga ng unan. Thanks."

Speaking of Lannisters, parang si Ser Jaime nalang ang natitirang honourable Lannister. Oo, mayroon siyang history ng kingslaying, pero mukhang gusto naman niyang ma-redeem. Of course, si Tyrion din naman ay may honour, pero mayroon din siyang pagka-slippery, kasi magaling siyang pulitiko. Kaya rin niya deserve ang pin ng Hand of the King.

HBO
"Alam mo bang may mga fan theory na magkamag-anak daw tayo?"

Ano ba ang problema sa honourable men? Si Ser Davos Seaworth ay isang honourable man. Si Jon Snow ay isang honourable man. Ang mga honourable men, hindi tumatanaw ng utang na loob. Kahit pa malaki ang naitulong ni Melisandre sa labanan noong Episode 9, kahit pa si Melisandre ang may kagagawan ng muling pagkabuhay ni Jon Snow, tinabla pa rin siya nina Snow at Seaworth dahil siya ay masamang aswang. Ang honourable men sa Westeros ay bihira, at madalas sila’y namamatay din.

HBO
"Mas matangkad na pala ako sa'yo, Kuya Jon."

Kahit sandali lang ang screen time ng pamilyang Tarly, interesting ito kasi ito ang unang beses na pinakita ang the Citadel. Ang tanong lang ay kung may mas malaking part pa ba si Samwell Tarly at ang kanyang pagiging maester sa hinaharap? Sana naman, dahil sayang ang vast stores of knowledge sa library ng Citadel.

HBO
Muntik nang malimutan ni Sam na naghihintay sa labas ang mag-ina niya.

Hindi lang isa ang bitch throne sa Westeros. May iba pang mga bitch bukod kay Cersei. Si Lady Olenna Tyrell, simple lang siya, pero bitch din ‘yan. Parang lola na bitch. ‘Yung Sand Snakes, mga annoying bitches lahat ‘yan.

HBO
"Sino pinaka-bitch sa aming lahat?"

Si Arya Stark din pala ay isang bitch. Bitch na marunong mag-disguise at magaling pumatay. Deadly combination ito. So I guess patay na talaga ang sweet little girl na si Arya Stark, dahil ang lumaslas sa leeg ni Walder Frey ay hindi na si Arya Stark. Siya ay isang cold-hearted killer.

HBO
"Nagaaral lang ako mag-caregiver, hold still!"

Si Sansa Stark, kahit Stark ‘yan, may pagka-bitch din ‘yan. Sa lahat ng mga anak ni Eddard Stark, siya ang pinakamagaling maglaro ng Game of Thrones. Alam niya ang pamumulitika. Alam niya ang galawan ng mga iba pang players. Actually, pwede naman siya ang susunod sa line of succession ng King in the North, pero mas gusto ko talaga si Lyanna Mormont. Small but terrible e.

HBO
"Lahat ng miyembro ng fan club ko, please stand up."

Si Queen Daenerys, bitch din ‘yan. At finally, dadalhin na niya ang buong khalasar niya sa Westeros, kasama ang dragons niya. Kasama rin niya rito si Yarra Greyjoy, na alam naman natin na isa ring bitch. So I guess we can expect na ang Season 7 ay magiging season of bitch fighting.

HBO
At saka dragons.

At finally, salamat kina George R.R. Martin, David Benioff, D.B. Weiss, at sa warging ni Bran Stark, nasagot na rin ang ating matagal na nating gustong malaman. Si Jon Snow nga ay anak ni Lyanna Stark. Pero hindi pa rin explicitly sinasabi na si Rhaegar Targaryen ang tatay. Well, hindi rin naman explicitly sinabing si Jon Snow ang baby na kinuha ni Ned Stark. Pero magkasunod ang shot ng baby at mukha ni Jon Snow; hindi lang ito random shot placement ng direktor. Sa language ng cinema, may ibig sabihin ito, at parang may idea na tayo kung kanino nga ba ang “song of ice and fire”.

HBO
"Walang'ya, Lyanna... hindi ako marunong magpalit ng lampin."

0 comments :

Premium Blogspot Templates
Copyright © 2012 Da Couch Tomato