Episode Recap: Game of Thrones Season 6, Episode 8: "No One"
HBO
"Hmmm... magpakalbo na rin kaya ako?" |
Na-miss ko si Sandor Clegane. Siya kasi ang isa sa mga characters sa Game of Thrones na mayroong moral ambiguity, o 'yung hindi mo malaman kung masama o mabuti. Noong una, siyempre, masama siya, pero mayroon naman palang siyang soft side. Noong last episode, tumutulong na nga siya mag-karpintero e. Ano pa ba mas soft pa roon? Pero binitay nila si Ian McShane e, kaya ayun, ginalit nila. Ngayon pinagpapatay niya sila. On one hand, parang bumalik na ang dating The Hound. Pero on the other hand, pinaghihiganti niya ang mga kaibigan niya. Yes, The Hound has friends. Cute, 'no?
Sayang maghihiwalay na sina Varys at Tyrion "the most famous dwarf in the world" Lannister. Ganda pa naman ng chemistry nila, pero hindi ito gaanong na-utilise noong previous episodes. Pero in fairness, magaling ang chemistry ni Tyrion at kahit sino man itambal sa kanya. Kaya parang ang sarap siguro sumali sa inuman nila Tyrion, Greyworm, at Missandei. Tsaka sarap siguro lasingin ni Missandei. Joke lang.
HBO
"Taasan ang tagay niyan." |
Naiintindihan ko na napakagaling na aktres ni Lena Headey bilang Cersei Lannister, at mukhang maraming manonood ng Game of Thrones ang mahilig sa kanya. Pero nakakabwisit talaga siya. Bitch na bitch e. Ngayong kasama niya ang zombie-fied na si Ser Gregor "The Mountain" Clegane, parang mas naging bitch pa lalo. Buti nalang bawal na ang trial by combat, kasi kung hindi, Cersei Lannister walks free dahil champion niya si The Mountain. Si Cersei talaga pinakanararapat mamatay, pero mukhang hindi pa siya papatayin nina Messrs. Martin, Benioff, at Weiss.
HBO
Magic sa kaliwa, muscle sa kanan. Bitch talaga. |
Punta naman tayo sa isa pang magandang chemistry sa mga characters ng GoT na medyo naudlot lang: ang tambalang Brienne of Tarth at Ser Jaime Lannister. Wholesome ang chemistry nila; strictly platonic. Walang sexual tension, kahit anong pilit ng imahinasyon ni Bronn na mag-sex sila. Ang ganda lang ng huling paalam nila sa isa't isa habang papaalis na sina Brienne at ang squire niyang si Pod. Nagtaasan lang sila ng kamay, simpleng kaway na may halong mutual respect. Sobrang "aaaaw" moment.
HBO
"Sa tangkad mong 'yan, mahihirapan tayo mag-69." |
Hindi ba nakikita ng mga tao na sobrang loser ni Edmure Tully at sobrang astig ni Blackfish? Hindi ba ang natural tendency ng tao ay umiwas sa loser at sumama sa badass? Pero bakit ganoon? Bakit sinunod ng mga sundalo ng Riverrun si Edmure at hindi si Blackfish? Dahil sa honour? Kalokohan. Well, marami namang kalokohan sa show na ito, pero pinagbibigyan nalang natin.
HBO
"Wala na raw ako next episode? Anak ng... " |
Pinakamalaking kalokohan talaga rito si Arya Stark. Andami nang namamatay dahil sa kanya, kasama na si Lady Crane. Tapos hindi pa siya maka-decide kung ano ba talaga siya. Stark ba siya o no name? Tsaka bakit parang hindi nagalit si Jaqen H'ghar na nakasabit na sa collection niya 'yung mukha ni Waif? Hindi siya nagalit na namatay si Waif, at hindi rin siya nagalit na hindi malinis ang pagkakagupit ng mukha. At hindi rin siya nagalit na pinagpalit na ni Arya ang pagiging "no one" at bumalik na siya sa pagiging Arya Stark of Winterfell.
HBO
"N'labo mo, girl." |
Kung nasayangan kayo sa episode na ito dahil wala si Jon Snow, hayaan niyo – next week, magsasawa kayo sa bastards of the north.
0 comments :
Post a Comment