Da Couch Tomato

An attempt at a new layout, with horrible glitches, and very minimal knowledge of HTML.

Review: The Conjuring 2, o May Mukha Ba Talaga Dapat ang Isang Poltergeist?

Boo.

Ang maganda sa pelikulang ito ay hindi mo kailangan na mapanood ang Part I para maintindihan o ma-appreciate itong sequel. Ako, hindi ko napanood ang unang pelikula, pero tingin ko hindi naman madaragdagan ang takot ko sa sequel kung napanood ko ang Part I.

Ang pelikulang ito ay tungkol sa patuloy na adventures ng mag-asawang ghostbusters na sina Ed Warren (Patrick Wilson) at Lorraine Warren (Vera Farmiga). Ngayon nagpunta sila sa England para imbestigahan ang Enfield poltergeist nagpapahirap ng buhay ng single mother na si Peggy Hodgson at ang kanyang apat na anak. Sa huli, happy ending naman ito, meaning walang namatay, at napuksa ang poltergeist.

Sa aking pagkakaalala, ang poltergeist ay isang unseen force na ang manifestation ay ang paggalaw ng mga bagay-bagay. So isa lang itong malisyosong espiritu at wala dapat itong mukha. Pero sa pelikulang ito, may mukha siya, at ito ay ang mukha ng isang matandang lalaki na namatay sa upuan niya. Pero sino ba talaga ang poltergeist? 'Yung matandang lalaki, o 'yung demonyong madre na nakakatakot?

Maayos naman ang pagkaka-direct ni James Wan dito. Bagamat kilala siya sa genre na horror, mayroon din siyang ginawa sa ibang style, tulad nalang ng Furious 7, na isang action movie tungkol sa horrors ng high-speed racing. Bukod sa magandang production design, na 1970s talaga ang feel, magaling din ang paggamit ni Wan ng subtlety sa pananakot. Ang ibang mga nakakatakot na eksena sa pelikula ay ang gumagalaw na toy truck, ang play tent ng mga bata, at ang Crooked Man.

Ang pelikulang horror ay hindi na gaanong nakakatakot kapag inulit ito. At dahil medyo nabitin ako (hindi dahil nagkulang, kundi dahil I want more), baka panoorin ko ang naunang pelikulang The Conjuring, na ayon sa mga nabasa ko ay isang magandang horror film na mas nakakatakot pa yata kaysa rito.

Boo ulit.



The Conjuring 2. USA. 2016.



Original na rating: 7/10
Walang Vera Farmiga nudity: -0.1
Biglang pagbanat ng kanta ni Elvis Presley: -0.1
Pagka-adorable ng pagbanat ng kanta ni Elvis: +0.1
Setting sa England: +0.1
Effective na pagka-stand-alone ng pelikula: +0.1
Based sa true story: +0.1
The Crooked Man: +0.1
Final rating: 7.4/10

0 comments :

Premium Blogspot Templates
Copyright © 2012 Da Couch Tomato