Da Couch Tomato

An attempt at a new layout, with horrible glitches, and very minimal knowledge of HTML.

Review: Independence Day: Resurgence, o Bakit Dapat Tumigil na Sila sa Unang Pelikula

"Parang bad idea ang pag-sign up ko rito, a."

Dapat ang pagiging absent ni Will Smith ay naging unang clue na hindi niyo na dapat ito panoorin. Hindi ko alam kung hindi niya nagustuhan ang script, o kung mayroon siyang prior commitments, o kung hindi nakayanan ng producers ang talent fee niya. Pero either way, it's not a good sign.

It seems na ang primary na dahilan ng Hollywood sa pagtuloy o pagbuhay sa mga lumang franchise ay para ma-introduce ang franchise sa whole new generation. Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng remake (Teenage Mutant Ninja Turtles), reboot (Total Recall, Ghostbusters), o sequel (Star Wars: The Force Awakens). Ang Independence Day: Resurgence ay masasabing isang sequel ng naunang 1994 na pelikulang Independence Day, na tatawagin natin sa kaniyang abbreviation na ID4. Para sa akin, sana hindi na nag-abala ang direktor na si Roland Emmerich dahil napakaganda na ng ID4 at hindi na ito nangangailangan ng sequel.

Ang ID4 kasi ay hindi na talaga nagbigay ng room for a sequel. Ang naging kwento ng unang pelikula ay "aliens come to Earth, humanity stands up, humanity blows up alien mothership, Earth wins". Paano mo ito gagawan ng sequel? Babalik ang aliens at gagawin ulit ang ginawa nila tapos mananalo uli tayo? Parang hindi na. Okay na ang ID4 as a stand-alone film. Halatang pinilit nalang nila itong pigaan ng sequel.

Ang isang magandang example ng sequel in recent years ay ang How to Train Your Dragon 2. Pinaliwanag ng direktor nito na si Dean DeBlois kung ano ang naging inspirasyon niya in terms of sequel-making, at ito ay ang The Empire Strikes Back. Sabi niya:

The Empire Strikes Back always struck me as a movie that took everything about a world and made it deeper and richer tonally. That was what I was after — that sense of fun and increased scope and richer characters and larger stakes. Our film seemed as though it occupied a world where there is more story to be told and more questions to be answered.

Ayun dapat ang nangyari rito. Palawakin ang mundo. Hindi lang "copy the plot of the original film". Kailangan ma-explore mo pa ang mundo ng naunang film at palawakin o palalimin ito. Sa pelikulang ito kasi, halos inulit lang ang plot ng original. Ang pagpapalawak pa sa film na ito ay sa pangatlong pelikula pa yata, kung saan may hint daw ng "interstellar travel". Sana nga.

And on that note, I guess pumalpak din bilang sequel ang The Force Awakens. Pero sa ibang review nalang iyon.

"So hindi na ba talaga ito maisasalba?"



Independence Day: Resurgence. USA. 2016.



Original rating: 6/10
Pagkawala ni Will Smith: -0.1
Pagsalba ni Jeff Goldblum: +0.1
Pagkatuyot at pagka-haggard ng ka-love team ni Jeff Goldblum: -0.1
Comic relief ng kasama ni Liam Hemsworth: +0.1
William Fichtner: +0.1
Angelababy: +0.1
Acting ni Bill Pullman: +0.1
Pagpilit ni Bill Pullman sumakay ng spaceship: -0.1
Final rating: 6.2/10

0 comments :

Premium Blogspot Templates
Copyright © 2012 Da Couch Tomato