Review: Roots, o Isang Paggunita sa Ating Pinanggalingan
"Sisikat din ako sa USA tulad nina Idris at Chiwetel." |
Hindi naman tayo dumaan sa karanasan ng mga egoy, pero bakit kaya ang lakas ng affinity ng Noypi sa mga African-American?
Ang mga African-American (tatawagin ko nalang silang egoy, kasi mas madaling i-type) ay hinugot mula sa Africa, kung saan sila na-kidnap mula sa mga pamilya nila, pinasakay sa barko na siksikan sa ilalim na parang cargo lang sila, dinala sa Amerika, binenta bilang alipin, at pinagtrabaho nang sapilitan sa mga plantation ng mga mayayamang puti.
First year high school pa lang ako, alam ko na ang kwento ng Roots (Hindi The Roots ha, banda 'yun sa The Tonight Show Starring Jimmy Fallon). Mahilig kasi ako magbasa dati (ngayon hindi na gaano, pero gusto ko ibalik ito), at lahat ng mga libro ng magulang ko inisa-isa ko. Elementary pa lang ako, nabasa ko na ang The Catcher In the Rye, kaya pagpasok ko n'ung high school, napakayabang ko dahil ang required reading sa English subject namin ay nabasa ko na noong grade school habang tumatae. Pero hindi 'yun ang point ko. Ano nga ba 'yun? Nalimutan ko na.
"Lo diyes, motherfuckers." |
Ayun, naalala ko na. Dumating pala sa isang point na nabasa ko na halos lahat except 'yung mga pangit ang cover at 'yung mga punit-punit na. So sabi ko sa sarili ko, "Sige na nga, don't judge a book by its cover, 'di ba?" Ang una kong kinuha ay isang medyo makapal na libro na sobrang gutay-gutay na, nahati na ito sa dalawa, 'yung tipong napunit sa spine 'yung libro. Nakasulat sa cover, Roots: The Saga of an American Family by Alex Haley. Sinimulan ko ang libro sa chapter 1, at mula nang makilala ko si Kunta Kinte, hindi ko na binaba ang libro hanggang matapos ko ito.
Si Kunta Kinte (Malachi Kirby) ay isang Mandinka warrior mula sa Africa at ninuno ng author na si Alex Haley (Laurence Fishburne). Kinidnap siya mula Africa at napadpad siya sa plantation na pagmamay-ari ng isang puti na ang apelyido ay Waller (James Purefoy, sa isa na namang evil role). Naging kaibigan niya rito si Fiddler (Forest Whitaker na inaantok pa rin ang isang mata), at napangasawa niya si Belle Waller. Nagka-anak sila na si Kizzy, na siya namang binenta sa ibang massa ("master" sa salitang egoy) na ang pangalan ay Tom Lea (Jonathan Rhys Meyers, sa isang napakagandang performance). Ni-rape ni Massa Tom si Kizzy, at nagka-anak sila na si George Lea (Regé-Jean Page, sa isa ring magaling na performance). Dahil sa kulturang slavery, alipin pa rin ang tingin ni Massa Tom kay George, pero hindi naman mapagkakailang anak niya ito dahil namana ni George ang hilig ng tatay niya sa sabong, kaya siya nabansagang "Chicken George". Sa aklat na original source material, tuloy-tuloy ang kwento mula sa Africa hanggang kay Alex Haley, pero sa adaptation na ito ng History Channel, huminto sila sa anak ni Chicken George, na nagkataon namang natapat sa panahon ng emancipation ng mga slaves.
Malamang iba sa inyo ay nagtataka bakit ang mga African-American ay mga kakaibang pangalan, at ang mga British na egoy ay may mas African-sounding name. Isa sa mga dahilan nito ay ang Roots.
History
Ang "LL" ay tinatak sa Africa; sa Amerika idaragdag ang "Cool J". |
Ang mga British na egoy tulad nina Idris Elba at Chiwetel Ejiofor ay may mga pangalang 'di mapagkakailang African. Bakit? Kasi sila ay mga second-generation immigrants; mga magulang nila ay galing Africa. Ang mga African-American naman, sila ay descendants ng mga dating alipin sa mga plantation. Ayaw na ayaw ng mga massa na may maiwan pang African legacy ang mga alipin nila, kaya pinagbubura nila ang mga pangalang "Kunta Kinte" at pinalitan nila ito ng mga English names tulad ng "Toby". Ngunit pagdating ng civil rights movement noong 1960s, kung saan aktibong nakilahok sina Martin Luther King, Malcolm X, at Alex Haley, nagkaroon ng reawakening para sa all things African. Nauso ang pagbibigay sa mga sanggol ng mga African o Muslim/Arabic names tulad ng Jamal, Abdul, Kareem, Rashad, Kenya, Zulu, Shaquille, Ali, and Hakeem. At ayan ang dahilan kung bakit ang mga African-Americans ay mayroong mga exotic first names (na pahirapan kung i-spell) at English surnames.
Kahit hindi naman talaga tayo nagkaroon ng kulturang pang-aalipin, bilang mga Pilipino, maganda rin na malaman natin ang kultura ng pang-aapi mula sa mga Western nations. Ang Pilipinas ay naging subject ng mga bansang Espanya at Amerika, at kahit hindi naman tayo naging pagmamay-ari bilang tao, tayo naman ay naging pagmamay-ari bilang bansa. Hindi ito ang unang screen adaptation ng Roots (may nauna pa noong 1977), pero ganoon pa man, ang mga tema nito ay naangkop pa rin sa panahon ngayon. Ang pangalang "Kunta Kinte" ay isang household name para sa mga African-American kids–ginamit pa nga ito ni Missy "Misdemeanor" Elliot sa lyrics ng kanta niyang "Work It"–at sana ganito rin kalakas ang respect for cultural identity nating mga Pinoy.
At saka nga pala, hindi talaga ako mahilig sa mga palabas ng History Channel. Malakas talaga ang preference ko para sa mga gawa ng HBO at BBC. Pero para sa isang History Channel production, ang masasabi ko lang sa Roots ay, "Hmmm... pwede na."
NOT IN PICTURE: Kamay ni T.I. |
Roots. USA. 2016.
Original na rating: 6.0/10
Hindi pagtuloy-tuloy mula Kunta Kinte hanggang Alex Haley: -0.1
T.I. bilang Cyrus: +0.1
Mas maraming eksena sa Africa: +0.1
Performance ni Jonathan Rhys Meyers: +0.1
Hilig ng mga egoy sa sabong: +0.1
Huling rating: 6.3
0 comments :
Post a Comment