Da Couch Tomato

An attempt at a new layout, with horrible glitches, and very minimal knowledge of HTML.

Review: Teenage Mutant Ninja Turtles: Out of the Shadows, o Ang Patunay na Hindi Naman Talaga Nagahasa ang Iyong Kabataan

"Bawal ang sexual tension niyo rito, ha."

Sa simula pa lang ng pelikula, mapapansin mo na parang andaming co-producers. Bukod sa Nickelodeon, may taga-Dubai, mayroon ding China. Pero bakit nga ba marami? Kasi kahit hindi si Michael Bay ang nag-direct (producer na lang siya rito; ang direktor nito ay si Dave Green), magastos pa rin ang pelikulang ito.

Ang gastos sa pelikulang ito ay hindi lamang sa mga pagsabog, kundi sa dami ng CGI shots. Doon sa unang TMNT ni Michael Bay, maaalala niyo na medyo may katagalan bago lumabas ang turtles. Dito sa Out of the Shadows, simula pa lang naroon na sila. At halos lahat ng shots mayroong CGI, hindi tulad n'ung una na may mga solo scenes pa sina Whoopi Goldberg et al. At siguro napamahal din sila sa pagkuha ng New York Knicks.

Siguro sa dami ng taong nagsabing ni-rape daw ni Michael Bay ang kanilang childhood, naisip ni Bay na ipaubaya nalang sa ibang direktor ang sequel na ito. Pero para sa akin, ang pagpili kay Dave Green ay mayroong good and bad sides. Bad side muna: medyo kapareho pa rin niya si Michael Bay mag-direct. Well, baka naman kasi idol niya ito, or inutusan talaga siya na "Gayahin mo style ni Michael Bay, ha, 'yung maraming pagsabog and shit, at super haba na mga action sequence."

Sa good side naman, makikita mong fan talaga itong si Dave Green ng Teenage Mutant Ninja Turtles. Well, ayon sa Internet search, 1983 siya pinanganak, so talagang lumaki siya hindi lang sa cartoons noong 1987, kundi pati na rin 'yung mga unang pelikula na kasama sina Ernie Reyes, Jr. Makikita mo ang kanyang pagka-fanboy sa mga characters na ginamit. Narito sa sequel sina Casey Jones, ang makukulit pero may pagka-bobo na sina Bebop at Rocksteady (na ginampanan ng wrestler na si Sheamus), ang makulit na utak na si Krang, at ang scientist na si Baxter Stockman (na baka sa susunod na pelikula pa maging malaking langaw). Sana rin sa susunod na pelikula ay isama nila ang samurai rabbit na si Usagi Yojimbo. Paborito ko kasi 'yun e.

Bukod sa mga pamilyar na characters na ito, sinigurado rin ng mga filmmakers na magsama ng iba pang mga pamilyar na elemento ng lumang series. Una siyempre ang Turtle Van, na in-upgrade na rito bilang Turtle Truck. Mas okay ito, actually, kasi mas madaling mag-blend-in sa New York dahil sa shadows pa rin naman nago-operate ang Ninja Turtles. Pangalawa, maririnig mo rin nang ilang beses ang melody ng "heroes in a half shell" bilang ringtone ng cellphone, alert tone ng relo ni April O'Neil, at busina ng Turtle Truck. At pangatlo, narito ang Technodrome, ang bilog na base/weapon/death machine ni Krang.

Ang overall na dating ng pelikula ay parang pagpapakilala ng mga Ninja Turtles sa bagong henerasyon. Detalyado nilang nilatag ang characters ng bawat Turtle, na si Leo ang leader, si Raph ang muscle, si Donnie ang geek, at si Mikey ang kenkoy. Mas maganda nga ang pagkaka-characterise at pagkaka-present nila ngayon e, dahil visually mo makikita ang pagkakaiba nila. Dati sa 80s cartoons, ang nagkaiba lang sa kanila ay boses at kulay ng maskara. Sana masaya na ang mga fans na kung akusahin ang mga filmmakers ng "raping of childhood" ay kala mo naman napakalaki ng nawala sa kanila. Hindi naman para sa inyo itong pelikulang ito e. Para sa mga anak niyo ito. Mga losers.

"Losers nga, nagaabang naman ng sequel. LOL."



Teenage Mutant Ninja Turtles: Out of the Shadows. USA. 2016.



Original rating: 6/10
Walang hubad na Megan Fox: -0.1
Cameo ni Carmelo Anthony: +0.1
Magagandang action sequences: +0.1
Hindi gaanong paggamit kay Laura Linney: -0.1
Pagkalapit ng character design sa original cartoon: +0.1
Huling rating: 6.1/10

0 comments :

Premium Blogspot Templates
Copyright © 2012 Da Couch Tomato