Review: Alice Through the Looking Glass, o Sa Title Lang Nagkapareho ang Pelikula at Libro
"Parang out pa rin 'yang Chinese dress mo kahit sa Wonderland." |
Para sa mga fans ng original literary work ni Lewis Carroll na Through the Looking Glass (And What Alice Found There), kalimutan niyo na – itong pelikulang ito ay hindi adaptation ng libro na 'yun.
In fact, bukod sa pamagat, ang pagkakapareho lang ng libro ni Carroll sa pelikulang ito ay si Humpty Dumpty. At ang mga chess pieces. At ang looking-glass insects. At ang pagpasok ni Alice sa salamin. Ayun lang. 'Yung malaking chess game? Waley. 'Yung sasakay si Alice sa tren? Waley din. The lion and the unicorn? Waley talaga. So ayun.
Isa sa mga problema ng franchise na ito ay na-condense na nila ang adaptation sa unang pelikula na Alice in Wonderland noong 2010. Halimbawa, ang tula na "Jabberwocky" ay nasa pangalawang libro, pero lumabas ang creature sa unang pelikula pa lang. Ganoon din sina Tweedledum at Tweedledee; wala sila sa unang libro, pero naroon na sila sa unang pelikula. So basically, sinira na nila ang narrative noong 2010 pa lang, kung kaya naman totally unrecognisable na ang kwento sa bagong pelikula.
So ano ang kwento nitong Alice Through the Looking Glass kung malayo na ito sa kwento ng libro? Well, since winalang-hiya na nila ang original source material, naisip siguro nila na might as well dalin na nila sa totally different direction ang pelikula. At ang direksyon na iyon ay... science fiction. Specifically, time travel. Labo, 'di ba?
So dito sa direct sequel ng 2010 film, you can tell a lot about the film base sa iisang character lang, at ito si Father Time (Sacha Baron Cohen). Una, si Father Time ay hindi naman character sa libro ni Lewis Carroll, which means they took the liberty na tumahak na sa totally different direction. Pangalawa, ang pagkakaroon ng isang time lord sa pelikulang ito ay ang cue na may time travelling na magaganap dito.
"BAKET ANLABO NG PELIKULANG 'TO?" |
Ang orihinal na libro ay totally new adventure para kay Alice (Mia Wasikowska), dahil siya ay nasa totally ibang mundo, hindi na sa Wonderland. At dahil ibang mundo na ito, iba na rin ang cast of characters dito. Pero dahil nga binale-wala na ng filmmakers ang source material, hindi na rin sila tumahak ng panibagong direksyon at kumuha ng bagong cast, maliban kay Baron Cohen at Rhys Ifans bilang tatay ng Mad Hatter. Naroon pa rin ang Cheshire Cat (Stephen Fry), ang big-headed Red Queen (Helena Bonham Carter), ang hindi naman pala mabait na White Queen (Anne Hathaway), ang mga hayop sa Tea Party, at siyempre, ang Mad Hatter (Johnny Depp) na siyang pinag-basehan ng kwento ngayon.
Sa lahat ng mga adaptations ng Alice books ni Lewis Carroll, ito na marahil ang pinakatumaliwas sa source material. Ang genre ng literary nonsense ay natumpok ni Carroll, at sana ito na rin ang direksyon na tinahak ng filmmakers (ang direktor pala nito ay si James Bobin; si Tim Burton ay isa sa mga producer). Ang maganda sa mundo ni Alice ay ang pagiging dream-like nito, dahil ang mga scenario at pangyayari ay talagang non-sensical at malabo. Hindi naman kailangan ng back story ng Mad Hatter, at hindi na rin mahalaga na maintidihan natin ang history ng Red at White Queens. Pero siyempre, mas malaki ang box-office draw nina Depp at Hathaway, kaya kinakailangan lumabas sila muli sa sequel.
Ang isang dream o whimsical o surrealist work of art ay mukhang walang sense at structure at first glance. Pero sa in-depth analysis makikita na ang pagiging surreal nito ay grounded pa rin sa reality. Kaya nais ko lang i-raise ang dalawang point na ito: Una, ang steampunk motif ng mundo ni Father Time ay medyo hindi naangkop sa period kung saan naka-set ang pelikula, lalong-lalo na ang time-travelling unicycle ni Alice. Pangalawa, sa historical period na ito, hindi makatotohanan na ang kapitan ng isang barko ay babae. Sorry.
Medyo nakakabahala ang ginagawang ito ng Disney. Para silang nanloko ng mga manonood, tipong "false advertising" kumbaga. Ang dating ay parang nag-announce sila na "Hey, gagawa kami ng pelikula ng Through the Looking Glass!" Sa announcement pa lang na iyon, nakuha na nila ang market na 1) mga fans na nasiyahan sa unang film at gustong mapanood ang sequel para makita kung maa-adapt ito ng Disney nang tama; at 2) mga fans na hindi nasiyahan sa unang pelikula at gustong mapanood ang sequel para makita kung maa-adapt ito ng Disney nang tama. Either way, nagoyo tayo ng Disney, at may danger na abusuhin itong trend na ito sa paga-adapt ng mga works in the public domain. Huwag naman sana.
"Ayaw na namin ng Part Three!" |
Alice Through the Looking Glass. USA. 2016.
Orihinal na rating: 5.5/10
Huling voice-over ni Alan Rickman: +0.1
Time travel: +0.1
Pagtaliwas sa original source material: -0.2
Walang Mia Wasikowska nudity: -0.1
Johnny Depp sa isa na namang weird role: -0.1
Sacha Baron Cohen: +0.1
Final na rating: 5.4/10
RIP Alan Rickman
Basahin ang review ng naunang Alice in Wonderland.
0 comments :
Post a Comment