Da Couch Tomato

An attempt at a new layout, with horrible glitches, and very minimal knowledge of HTML.

Review: The Legend of Tarzan, o Bakit Angkop Pa Rin ang King of the Jungle sa Panahon Ngayon

"Lugi ako sa 8-pack abs mo!"

Matagal na ang kuwento ni Tarzan. 1912 ang unang taon na lumabas ang Tarzan of the Apes ni Edgar Rice Burroughs (na siya ring manunulat ng John Carter books), at mula noon, mahigit 200 na pelikula tungkol kay Tarzan ang naipalabas.

Medyo napapanahon ang paglabas ng pelikulang ito, dahil ang mga bagong manonood ay wala na yatang idea kung sino si Tarzan. Ang kilala nila malamang ay ang mga "Me Tarzan, you Jane" type ng wild man, o 'di kaya ang patawang Starzan ni Joey de Leon ("Cheetae, ganda lalake"... "Ulul, sinungaling, pangit"). Ang isang upside ng walang-tigil na pag-remake ng Hollywood ng mga lumang literary classic ay ang pagpapakilala ng mga gawang ito sa bagong henerasyon.

Si Tarzan (Alexander Skarsgård) ay isang edukadong nobleman na nagngangalang John Clayton, Earl of Greystoke. Lumaki siya sa kagubatan sa pagaalaga ng mga gorilla, at dito siya namuhay bilang hayop at naging lord of the jungle. Bumalik siya sa sibilisasyon sa Ingglatera para mamuhay bilang tao kasama ang asawa niyang si Jane (Margot Robbie), ngunit sa paguudyok ng isang Amerikanong si George Washington Williams (Samuel L. Jackson) ay bumalik siya sa Africa para pabagsakin ang rehimen ng imperial Belgium sa Congo. Ngunit pagdating niya sa Africa, hinahanap pala siya ng kontrabidang si Leon Rom (Christoph Waltz), na nakipagkasundo kay Chief Mbonga (Djimon Hounsou) para sa ulo ni Tarzan kapalit ng mala-tawas na diamonds. Nahuli ni Rom ang mag-asawang Clayton, pero nakatakas si Tarzan. Si Jane nalang ang naiwang hostage, at ang huli ng pelikula ay ang pagligtas ni Tarzan sa kanyang asawa. Ang maganda rito ay hindi ipinakita si Jane bilang damsel-in-distress, kundi isang matapang at strong-willed na babae na karapat-dapat nga na maging Mrs. King of the Jungle.

"Boner mo ba 'yan, Tarzan?"

Si Tarzan ay isa sa mga "feral child" template ng literature, katulad ni Mowgli ng The Jungle Book. Itong version na ito ni David Yates ay sinasabing "the most accurate Tarzan film ever made", at isa sa mga dahilan nito ay ang pagsasalita ni Tarzan ng diretso at hindi barok. Hindi talaga ako fan ng Tarzan franchise, pero lumaki ako na kilala siya. Madalas kong gayahin ang kanyang iconic na sigaw n'ung bata ako, at natuwa ako na maririnig ang sigaw na ito sa pelikula (not once, but twice).

Maganda ang pelikulang ito para sa lahat ng klaseng audiences. Okay ito para sa mga matatanda, dahil ibang version ito sa ating nakasanayan dahil sa kanyang accuracy. At okay din ito sa mga bata, para makilala naman nila si Tarzan bilang isang classic literary character na kung tutuusin ay mayroong ibubuga sa mga modern superheroes ngayon.

"Bakit napakaitim mo?"



The Legend of Tarzan. USA. 2016.



Original na rating: 7.9/10
Cameo ni Ben Chaplin: +0.1
Walang Margot Robbie nudity: -0.1
Astig na vine-swinging ni Tarzan: +0.1
Parating pagka-kontrabida ni Christoph Waltz: -0.1
Pagkapareho ng boses ni Alexander Skarsgård at ng kanyang ama: +0.1
Final na rating: 8.0/10

0 comments :

Premium Blogspot Templates
Copyright © 2012 Da Couch Tomato