Nakita ko itong
link na ito noong isang linggo, at tawang-tawa ako sa kalokohan ng netizens. Actually, n'ung ni-research ko kung saan ito nagsimula, mas natawa ako.
Noong March ng taong ito, naglabas ang United Kingdom ng bagong barkong pam-polar research, at nagsagawa sila ng poll para sa magiging pangalan ng barko. Siyempre, tinanong nila ang Internet, na isang malaking pagkakamali, dahil ang netizens ay maraming kalokohan.
Ang nanalong pangalan para sa barko ay
"Boaty McBoatface", pero dahil nga tunog pa lang, kalokohan na, hindi sinunod ng British government ang gusto ng mga tao. Pinangalanan ang barko na RRS Sir
David Attenborough, galing sa tanyag na naturalist na mas kilala bilang voice-over ng mga BBC documentary tulad ng
Planet Earth.
Bilang pa-consuelo, pinangalanan naman ang isa sa mga research submarine ng barko na "Boaty", at natuto rin ang British government ng isang mahalagang lesson: Never let the Internet name things. Siyempre, hindi mapipigilan ang Internet na magbansag ng mga bagay-bagay, kaya nagkaroon na rin ng hashtag na
#TheInternetNamesAnimals.
At dahil gusto ko makisakay sa bandwagon, kahit medyo late na, ito naman ang aking mga sariling pinangalanang mga hayop sa Pilipinas.
|
STAR MAP GALAXY FISH |
|
SNUBNOSE McBLUNTBEAK |
|
BELL PEPPER RASTA BUG |
|
FISH HEAD CHEETAH SNAKE |
|
CREEPY McGOOGLY-EYES |
|
DOTHRAKI ARMOUR BALL |
|
DEADLY KILLER CHICKEN |
|
8-LEGGED NIGHTMARE |
|
WHISKERED CARPET BALL |
|
DUMBASS McSTUPIDFACE |
0 comments :
Post a Comment