Da Couch Tomato

An attempt at a new layout, with horrible glitches, and very minimal knowledge of HTML.

Review: Ben-Hur, o Bakit Laging Gwapo ang mga Jesus Christ sa Pelikula?

Podrace sa Tatooine. Joke lang.

Matagal na ang kwento ni Ben-Hur. Ang source material nito ay ang nobelang Ben-Hur: A Tale of the Christ ni Lew Wallace noong 1880, at mula noon ay nagkaroon ng maraming cinematic adaptation. Ang pinakasikat nito ay 'yung Ben-Hur noong 1959 starring Charlton Heston na nanalo ng Oscar para sa performance niya rito. Kaya sa mga nalilito pa rin, fictional po si Ben-Hur. Hindi po siya historical figure.

Wala namang problema ang pelikulang ito story-wise, kasi nga ito ay pang-ilang remake na ng isang sikat na nobela noong turn of the 20th century. The fact na nakailang remake na ito ay proof na maganda ang kwentong ito, so palakpakan natin si Lew Wallace. Siguro kung may isang problema sa kwento, ito ay ang kakulangan sa exposition ng sitwasyon sa Jerusalem noon. Hindi naman kasi lahat ng manonood nito ay Kristiyano, kaya mas mainam sana kung mas naipaliwanag pa nila ito. Although hindi ko pa nababasa ang libro ni Wallace, sa tingin ko mas malaki ang part ni Jesus Christ sa kwento, kaya nga "A Tale of the Christ" ang subtitle ng libro e. Siguro kung mas nadagdagan pa ang bahagi ni Rodrigo Santoro as Jesus, at kung ang Jesus scenes ay naitahi nang maayos sa main narrative, baka mas nasiyahan pa ang mga critics.

Pa-gwapuhan ang labanan ng mga Jesus Christ sa Hollywood.

Performance-wise, maayos naman ang pinakita ni Jack Huston bilang Judah Ben-Hur (literal translation: Judah, anak ni Hur). Maalala niyo siya bilang hitman na kalahati ang mukha sa TV show na Boardwalk Empire, kung saan ang acting niya ay subtle pero very effective. Dito, ayos naman ang acting niya. He doesn't shine, but he delivers. Si Toby Kebbell, on the other hand, ay magaling. Bilang adopted brother at future rival ni Judah, nakuha niya ang effective villainy, 'yung may transformation pa mula mabait hanggang masama, at kung saan ang kasamaan niya ay hindi niya sinasadya at napilit lang sa kanya.

Sa anggulong ito, medyo kamukha niya 'yung character niya sa Warcraft.

Meanwhile, si Morgan Freeman naman ay typical Morgan Freeman. Masungit pero mabait na old man ang tipong role na swak na swak sa kanya. Halatang sinulit ng producers ang talent fee niya, dahil maririnig sa simula ng pelikula ang boses niya bilang voice-over narration. Nakaka-distract lang ang close-up shots niya, dahil nakikita ko ang mga nunal niya sa mukha na parang monggo bread. Tsaka 'yung dreadlocks, diyos ko po. Parang mop. Pekeng-peke at nakaka-distract.

"Ano ba problema? Hindi ba bagay sa akin ang rasta look?"

Wala rin namang problema sa direksiyon ni Timur Bekmambetov, na kung naaalala niyo ay siya ring nag-direct ng Wanted. Si Bekmambetov ay magaling sa mga action sequence, kaya naman ang sikat na chariot race sequence sa huli ay sobrang nakakadala. Pero honestly, sayang naman ang directing prowess ni Bekmambetov kung another remake lang ang gagawin niya.

Sa palagay ko, the world doesn't need another Ben-Hur movie. Kung gusto ng Hollywood ng mas marami pang sword-and-sandal epics, marami pang magagandang kwento sa Bible na hindi pa naisasa-pelikula. Pero para sa mga kabataan ngayon, dapat niyo nga itong panoorin kung ang kilala niyo lang na Ben-Hur ay si Ben-Hur Abalos.

Hmmm... cross? Okay, gets.




Ben-Hur. USA. 2016.



Original na rating: 7/10
Walang Ayelet Zurer nudity: -0.1
Walang Nazanin Boniadi nudity: -0.1
Chariot race sequence: +0.1
Naval battle sequence: +0.1
Dreadlocks ni Morgan Freeman: -0.1
Kagwapuhan ni Rodrigo Santoro: -0.1
Final na rating: 6.8/10

0 comments :

Review: The BFG, o Maganda ang Unang Team-Up ni Spielberg at Disney

"BFG, dito ba nakatira ang mga Avatar?"

Noong una kong nalaman ang pelikulang ito, at n'ung malaman kong ito'y sa direksyon ni Steven Spielberg, naisip ko na agad itong panoorin. At n'ung malaman kong based pala ito sa libro na sinulat ni Roald Dahl, sabi ko, "Fine, I'm watching this."

Ang mga pelikula ni Steven Spielberg ay hindi hit-or-miss. Wala naman siyang pangit na dinirect, sa pagkakaalam ko. Dahil ito sa cinematic language, kung saan fluent na fluent si Mr. Spielberg. Ang cinematic language ay universal–ito ang dahilan kung bakit ang foreign films ay maiintindihan mo kahit walang subtitles. Ang mga galaw ng camera, ang editing, ang pacing: lahat ito'y vocabulary ng language of cinema. Si Spielberg ay bihasa na sa language na ito. Dalawang klase lang ang pelikula niya: good, or great. Itong The BFG ay somewhere in between.

Si BFG, nanonorotot ng panaginip.

Kung nabasa niyo ang The BFG ni Roald Dahl ay mapapansin niyo na itong gawa ni Spielberg ay more or less faithful adaptation ng original source material. Tungkol ito sa unlikely na pagkakaibigan ni Sophie (Ruby Barnhill) at ng Big Fuckin' Friendly Giant (Mark Rylance), at kung paano nila kinalaban ang mga evil cannibal giants sa pamumuno ng giant na nagngangalang Fleshlumpeater (Jemaine Clement). Bale nag-tag team sina Sophie at BFG at sinumbong nila ang mga masasamang giants na ito sa Queen of England, na siya namang nagpadala ng military support para i-capture ang giants at itapon sila sa isang malayong isla.

Kung mapapansin niyo rin, medyo iba ang formula ng film na ito sa mga usual children's films o animated films ng Hollywood ngayon. Huwag kayo mag-expect ng mala-Pixar treatment, kasi ang pelikulang ito ay hindi naman written for the screen. Tulad ng binanggit ko kanina, ito nga ay faithfully adapted mula sa Roald Dahl book, at dito pa lang ay ibang-iba na ito sa usual screenplays, dahil of course: Roald Dahl. Hindi ito ang typical run-of-the-mill Hollywood screenplay, primarily dahil sa faithfulness niya sa source material.

Maganda ang overall visual design ng The BFG, at kung fan ka ng aklat ni Dahl at ng mga illustrations ni Quentin Blake, mapapansin mo na parang straight out of the book ang character design. Noong makita ko ang mukha ni BFG, naisip ko, "Teka, parang kamukha niya 'yung nasa Bridge of Spies, ah. 'Yung Oscar winner." Kaya niya kamukha iyon ay kasi si Mark Rylance talaga iyon, at napakagandang mapanood sa big screen ang facial expressions at iba pang physical movements na siyang-siya talaga.

Si BFG ay hindi pa talaga giant sa lagay na 'yan.

Itong pelikulang ito ang pangalawang venture ni Steven Spielberg sa digital filmmaking at motion-capture, at nakatutuwang isipin na para na siyang dalubhasa rito. Noong ginawa niya ang The Adventures of Tintin: The Secret of the Unicorn, iwan na iwan talaga ni Andy Serkis ang kanyang co-stars in terms of motion-capture acting. Pero dito sa pelikulang ito, ang ganda talaga panoorin ng mukha ni BFG. Dalawa lang ang naisip kong dahilan nito: 1) either ang layo na ng narating ng motion-capture technology mula 2011, or 2) napakagaling lang talagang aktor ni Mark Rylance.

Overall, hindi disappointment ang first collaboration ni Steven Spielberg at Walt Disney Pictures. Sobrang swak rin ang tambalang ito dahil medyo pambata ang tema ng pelikula, at medyo pambata rin ang forte ng Disney. Pero malamang hindi na maulit ang tambalang Spielberg-Disney, kasi mayroon namang sariling company si Spielberg (DreamWorks at Amblin). So sana sinamantala niyo na ang panonood nito sa big screen, dahil baka first and last film ni Spielberg ito under the Disney banner.

Gusto ko lang din sabihin na ang cute-cute ni Ruby Barnhill. Ang sarap lang kurutin ng pisngi niya. Super cute! Kung ako rin ang Big Friendly Giant at nakita ko siya sa orphanage, kukunin ko rin siya at hindi ko na siya ibabalik. Gagawin ko lang siyang display sa garapon. Sobrang cute kasi.

"Ang cute mo talaga! Sarap mo kagatin!"



The BFG. USA. 2016.



Original na rating: 7/10
Mark Rylance: +0.1
Jemaine Clement: +0.1
Walang Rebecca Hall nudity: -0.1
Ututan sa Buckingham Palace: +0.1
Dream-catching sequence: +0.1
Final na rating: 7.3/10

0 comments :

Review: Suicide Squad, o Hindi Pa Marunong Gumawa ang DC ng Ensemble Film

Squad goals: Break-even sa box-office.

Si David Ayer ay hindi naman terrible director.

Si David Ayer ay isang writer-director, at ito ay isang valuable commodity sa Hollywood. Ang problema lang ay may kapit sa kanya ang studio na parang asong may kadena sa leeg.

Ang Suicide Squad ay hindi naman terrible film. Totoo, ito'y isang bagong type ng ensemble movie sa aspetong puro anti-hero ang mga bida rito. Pero pakiramdam ko ay solid ang original draft ng screenplay ni Ayer, at feeling ko rin ay maayos naman ang director's cut ng pelikulang ito. Pero siyempre, hindi na natin ito malalaman, dahil ang ni-release sa mga sinehan ay hindi na director's cut. Ang napanood nating lahat ay ang version kung saan marami nang in-alter at pinakialaman ang producers.

"Aminado naman akong mas magaling si Heath Ledger e!"

Ang isang ensemble movie ay isang genre ng pelikula kung saan maraming characters ang bumubuo ng cast, at kung saan ang bawat character rito ay isang protagonist. Ito'y bagong genre lang, at ako lang ang nagpauso ng pangalang ito; nagsimula ito siyempre sa The Avengers ni Joss Whedon noong 2012, at halos ma-perfect na ng Marvel sa Avengers: Age of Ultron noong 2015. Ang Captain America: Civil War na nilabas early this year ay may multiple characters din, pero sa aking opinyon ay hindi ito maituturing na ensemble film dahil iisa lang ang main protagonist dito, at ito'y si Captain America.

Ang sikreto ng ensemble film ay ito: dapat buo ang development ng bawat character sa ensemble. Maari itong gawin the usual way, which is onscreen character development. Pero ang technique ng Marvel ay iba: i-develop na ang mga individual characters through their own stand-alone films.

"Ganda ng shirt mo. Pero baliw ka pa rin."

Ito rin ang binalak ng DC sa pag-release nila ng Suicide Squad. Dahil hindi nila nabigyan ng sariling stand-alone films sina Harley Quinn (Margot Robbie), Deadshot (Will Smith), Diablo (Jay Hernandez) at Enchantress (Cara Delevingne), dinevelop nalang ang characters nila onscreen. Pero dahil dito, naubos ang oras sa character development nila habang ang ibang characters naman ay hindi na gaano na-flesh out. Sana 'yung sequence ni Amanda Waller (Viola Davis) involving 'yung dossiers n'ung mga criminals ay ni-release nalang nila online bilang promotional materials dahil nakasira ito sa flow ng kwento.

Ang character development ni Joker (Jared Leto) ay umaasa sa prior knowledge ng manonood at sa pop culture status ng character. Si Killer Croc (Adewale Akinnuoye-Agbaje) ay interesting character sana, pero hindi ito na-develop dahil kulang sa oras. Gayoon din si Boomerang (Jai Courtney), bagaman hindi masyadong ganoon ka-interesting ang character nito. E si Slipknot, a.k.a. "the man who can climb anything"? Patay agad. Walang kwenta. Actually, 'yung buong plot ay weak. Parang mas nangibabaw ang pagligtas nila sa love life ni Rick Flag (Joel Kinnaman) kaysa sa pagligtas ng mundo.

Ang tanong, maisasalba pa kaya ng DC ang Justice League na lalabas next year? Sana naman. Si Zack Snyder ang hahawak nito, sa panunulat ni Chris Terrio, na siya ring sumulat ng Batman v Superman: Dawn of Justice. Pero actually, kahit na gaano ka-brilliant ng creative team ng isang pelikula, wala rin itong kwenta kung ang producers ay nanonood sa likod nila at nakikialam. So sana bawas-bawasan ang pakikialam at hayaang mag-flow ang creativity, kasi ito ang kinakailangan ng DC ngayon kung balak pa nila habulin ang Marvel at their own game.

Bigyan niyo na ng stand-alone film, utang na loob.



Suicide Squad. USA. 2016.



Original na rating: 6.5/10
Scary at dark na Enchantress: +0.1
Maagang pagkamatay ni Slipknot: -0.1
Manipis na characterisation ni Joker: -0.1
Back story ni Deadshot: +0.1
Back story ni Harley Quinn: +0.1
David Harbour from Stranger Things: +0.1
Final na rating: 6.7/10

0 comments :

Review: Star Trek Beyond, o Isang Introduksyon sa Fractal Film Theory

So ang bida rito ay hindi si Kirk o si Spock. Hmm...

Ano ang pagkakaiba ng narrative feature film sa ibang form ng cinema tulad ng experimental at documentary? Ang sagot: narrative arc.

Ang narrative arc o story arc ay crucial sa isang narrative feature. Ang isang audio-visual narrative ay tinatawag na "failure" kung wala itong kwento. "Story is the master", sabi nga sa film school. Bilang filmmaker, aalisin mo ang manonood sa mundong ito at dadalin mo sila sa ibang mundo sa loob ng humigit-kumulang dalawang oras. Ang tanging pakiusap lang nila ay huwag niyo sayangin ang oras nila.

Sofia Boutella, nakaupo na parang nasasayang ang oras niya.

That said, hindi naman pangit ang kwento nitong Star Trek Beyond, at maayos naman ang direksyon ni Justin Lin. Isa siyang stand-alone film kasama na naman ang crew ng USS Enterprise na sina Captain Kirk (Chris Pine), Spock (Zachary Quinto), Dr. Bones McCoy (Karl Urban), Lt. Uhura (Zoe Saldana), Scotty (Simon Pegg), Sulu (John Cho), at si Chekov, played by the late Anton Yelchin in his last film.

Medyo manipis lang siguro ang film na ito dahil parang wala gaanong planet-hopping. Sa isang Star Wars film, marami-rami ang mga worlds na mabibisita mo bilang manonood. Ang Star Trek dapat ganoon din, tipong at least four different worlds sana ang napuntahan natin. Pero dito, parang kulang. 'Yung Yorktown space station, dapat hindi nga counted, kasi parang Earth din ang dating e.

Balik uli tayo sa usapin ng narrative arc. As a stand-alone film, wala naman problema ang pelikulang ito. May narrative arc naman, nasusundan naman ang kwento. Pero ang gusto ko lang sana sabihin ay ang narrative arcs ay sumusunod din sa konsepto ng "fractals" sa mathematics. Ang depinisyon ng fractal ay "a curve or geometric figure, each part of which has the same statistical character as the whole... in which similar patterns recur at progressively smaller scales". Ibig sabihin, ang isang bahagi ay kamukha ng kabuuan. Pero paano ito nagre-relate sa narrative arcs? Wait lang, hindi pa ako tapos mag-explain.

Halimbawa ng fractal.

Halimbawa, sa isang television series, sabihin na nating Game of Thrones, ang isang episode ay may sariling narrative arc. May simula, gitna, at wakas. Ngunit ang isang episode ay isang bahagi lang ng kabuuan, at itong kabuuan na ito ay ang season, na binubuo ng ten episodes. Ang isang season din ay may sariling narrative arc (tawagin nalang natin itong "season arc"). Kapag matapos na ang buong series, ang lahat ng episodes mula sa pilot hanggang sa finale ay may sarili ring narrative arc (tawagin natin itong "series arc"). Lahat ng mga arc na ito ay nage-exist simultaneously, at hindi sila in conflict with the other arcs of the overall grand narrative.

Sana touch-move nalang ang pagsira sa Enterprise, para hindi na ibalik.

Ibalik natin ang usapan sa Star Trek. Okay, so ang bawat pelikula sa bagong reboot (simula noong Star Trek ni J.J. Abrams noong 2009) ay may kanya-kanyang narrative arc bilang stand-alone films. Pero kung ia-analyse mo siya bilang isang trilogy, parang wala naman yatang trilogy arc. Hindi pa nga sigurado kung ito na ang huling film sa series na ito o kung magkakaroon pa ng Part 4. Kung mayroon mang Part 4, paano ito magta-tie up with the first three films to create a series arc na mukhang may patutunguhan?

Honestly, parang walang direksiyon ang current series ng franchise na ito. Ang dating ay para na siyang television series na puro stand-alone episodes at hindi alam kung mare-renew pa nang isa pang season. Sana lang hindi ito dahil co-writer ng screenplay si Simon Pegg. Hmmm... wait, kung iyon talaga ang balak ng producers nito, na bumalik sa essence ng original Star Trek TV show... well then, ang galing nila. Pero kung hindi naman pala, boo.

Bilang pa-konswelo, heto si Idris Elba na naka-shorts.



Star Trek Beyond. USA. 2016.



Original na rating: 7/10
Sulu is gay: +0.1
Pagbitaw ng fake accent ni Sofia Boutella: -0.1
Idris Elba: +0.1
Final na rating: 7.1/10

0 comments :

Review: Stranger Things, o Hindi Lang Nostalgia ang Dahilan Kung Bakit Ito Effective

Actual title card. Very Stephen King-y.

Sa opening credits pa lang, medyo may idea ka na kung ano ang ie-expect mo sa bagong series na ito ng Netflix. Tingnan niyo ang font ng title. Hindi ba parang libro ni Stephen King?

Siyempre, ang feel din ng show na ito ay parang Stephen King. Meaning may something supernatural involved. 'Yung supernatural na iyon ay ang stranger things na tinutukoy sa title.

Ang Stranger Things ay may walong episode, at bawat episode ay pinangalanan bilang "chapter". At ang title ng Chapter 1? "The Vanishing of Will Byers". Alam na.

Nahiya lang siya magpakita kasi may balancer pa ang bike niya. 

Magsisimula ang series na may apat na magkakaibigang batang lalaki. Si Will Byers (Noah Schnapp) ay bigla nalang nawala pagkagaling sa isang 10-hour Dungeons & Dragons session kasama ang tatlo pa niyang kaibigan. Siyempre, nag-alala ang nanay niyang si Joyce (Winona Ryder) at ang kuya niyang si Jonathan (Charlie Heaton), at ang subsequent episodes ay tungkol sa paghahanap ng buong bayan kay Will, complete with search party and all led by Hawkins chief of police Jim Hopper (David Harbour). And of course, may sarili ring paghahanap ang "The Gang" (mga tropa ni Will), at sa kanilang paghahanap, matatagpuan nila si Eleven, ang creepy but powerful skinhead girl na maganda naman pala n'ung nagsuot ng wig. Instrumental si Eleven sa paghanap kay Will at sa pagtalo sa villain na si Dr. Brenner (Matthew Modine).

The Gang: (L-R) Lucas (Caleb McLaughlin), Dustin a.k.a. Toothless (Gaten Matarazzo), Mike (Finn Wolfhard), at Eleven (Millie Bobby Brown)

Ang Stranger Things ay set in 1983, at dito pa lang ay nostalgia trip na ito. Kahit sa Pilipinas ka lumaki, nostalgic pa rin ito hindi lang dahil sa soundtrack (Toto's "Africa", come on) kundi pati na rin sa feel ng hair and wardrobe na madalas natin nakikita sa pelikula at TV noong araw. Ngunit hindi lang sa mga aspetong iyon humuhugot ng nostalgia ang series na ito. Marami rin ang 80s homages at 80s references.

Official hairstyle n'ung 80s ay bunot. 

Sa references muna: Nariyan siyempre ang Dungeons & Dragons. Para sa mga batang hindi nakakaalam, ito ang granddaddy ng lahat ng modern roleplaying games ngayon, pero nilalaro sa pamamagitan ng pen and paper at dice. Isa pang reference ay Star Wars, at ang pang-asar kay Lucas dito ay "Lando Calrissian", siguro dahil sa kulay niya. Hindi ako sure.

Sa homages naman, nariyan siyempre ang The Goonies, because, you know, children. Mayroong din E.T. the Extra-Terrestrial, dahil sa BMX bikes galore. Actually, napakaraming pelikula kung saan nagbigay ng homage ang Stranger Things, at masyadong mahaba kung isulat ko pa, kaya ito nalang ang link.

"Basta hindi mamamatay character ko, ha? I have bills to pay."


Bagamat napakagaling ng performance ni Winona Ryder dito at kuhang-kuha niya ang kabaliwan ng isang nanay na nawalan ng anak, nasapawan ang acting niya ng mga bata. Ang gagaling nilang lahat, at napaka-natural at totoo ng performance nila, na tipong parang gusto ko silang puntahan at sumali sa kanilang D&D game. Parang ang sarap nilang kalaro.

Sa isang interview with the Duffer Brothers (identical twins Matt and Ross Duffer) na creators ng series at directors ng majority ng episodes, nabanggit nila ang advantage ng pag-release sa Netflix. Sa Netflix kasi, kahit divided into episodes ang isang series, sabay-sabay nila nire-release ang lahat ng episodes, hindi weekly tulad ng sa network at cable TV. Sabi nila, sa ganitong paraan daw, nagiging parang libro ang show, na pwede mo basahin from cover to cover, at kung may gusto kang balikan na chapter, pwede rin. Parang Stephen King book nga, in essence. Ngunit sa ibang tao naman, myself included, may ibang advantage ang Netflix style: binge-watching. Dahil ang modern viewer ay ayaw na ayaw mabitin.

Nakahalik pa si Mike kay Eleven. Lucky bastard.



Stranger Things. Netflix. USA. 2016.



Original rating: 8/10
Walang Natalia Dyer nudity: -0.1
Performance ni Winona: +0.1
Performance ng mga bata: +0.2
Villainy ni Matthew Modine: +0.1
80s references: +0.05
80s homages: +0.05
Binge worthiness: +0.1
Final na rating: 8.5/10

0 comments :

Premium Blogspot Templates
Copyright © 2012 Da Couch Tomato