Review: Ben-Hur, o Bakit Laging Gwapo ang mga Jesus Christ sa Pelikula?
Podrace sa Tatooine. Joke lang. |
Matagal na ang kwento ni Ben-Hur. Ang source material nito ay ang nobelang Ben-Hur: A Tale of the Christ ni Lew Wallace noong 1880, at mula noon ay nagkaroon ng maraming cinematic adaptation. Ang pinakasikat nito ay 'yung Ben-Hur noong 1959 starring Charlton Heston na nanalo ng Oscar para sa performance niya rito. Kaya sa mga nalilito pa rin, fictional po si Ben-Hur. Hindi po siya historical figure.
Wala namang problema ang pelikulang ito story-wise, kasi nga ito ay pang-ilang remake na ng isang sikat na nobela noong turn of the 20th century. The fact na nakailang remake na ito ay proof na maganda ang kwentong ito, so palakpakan natin si Lew Wallace. Siguro kung may isang problema sa kwento, ito ay ang kakulangan sa exposition ng sitwasyon sa Jerusalem noon. Hindi naman kasi lahat ng manonood nito ay Kristiyano, kaya mas mainam sana kung mas naipaliwanag pa nila ito. Although hindi ko pa nababasa ang libro ni Wallace, sa tingin ko mas malaki ang part ni Jesus Christ sa kwento, kaya nga "A Tale of the Christ" ang subtitle ng libro e. Siguro kung mas nadagdagan pa ang bahagi ni Rodrigo Santoro as Jesus, at kung ang Jesus scenes ay naitahi nang maayos sa main narrative, baka mas nasiyahan pa ang mga critics.
Pa-gwapuhan ang labanan ng mga Jesus Christ sa Hollywood. |
Performance-wise, maayos naman ang pinakita ni Jack Huston bilang Judah Ben-Hur (literal translation: Judah, anak ni Hur). Maalala niyo siya bilang hitman na kalahati ang mukha sa TV show na Boardwalk Empire, kung saan ang acting niya ay subtle pero very effective. Dito, ayos naman ang acting niya. He doesn't shine, but he delivers. Si Toby Kebbell, on the other hand, ay magaling. Bilang adopted brother at future rival ni Judah, nakuha niya ang effective villainy, 'yung may transformation pa mula mabait hanggang masama, at kung saan ang kasamaan niya ay hindi niya sinasadya at napilit lang sa kanya.
Sa anggulong ito, medyo kamukha niya 'yung character niya sa Warcraft. |
Meanwhile, si Morgan Freeman naman ay typical Morgan Freeman. Masungit pero mabait na old man ang tipong role na swak na swak sa kanya. Halatang sinulit ng producers ang talent fee niya, dahil maririnig sa simula ng pelikula ang boses niya bilang voice-over narration. Nakaka-distract lang ang close-up shots niya, dahil nakikita ko ang mga nunal niya sa mukha na parang monggo bread. Tsaka 'yung dreadlocks, diyos ko po. Parang mop. Pekeng-peke at nakaka-distract.
"Ano ba problema? Hindi ba bagay sa akin ang rasta look?" |
Wala rin namang problema sa direksiyon ni Timur Bekmambetov, na kung naaalala niyo ay siya ring nag-direct ng Wanted. Si Bekmambetov ay magaling sa mga action sequence, kaya naman ang sikat na chariot race sequence sa huli ay sobrang nakakadala. Pero honestly, sayang naman ang directing prowess ni Bekmambetov kung another remake lang ang gagawin niya.
Sa palagay ko, the world doesn't need another Ben-Hur movie. Kung gusto ng Hollywood ng mas marami pang sword-and-sandal epics, marami pang magagandang kwento sa Bible na hindi pa naisasa-pelikula. Pero para sa mga kabataan ngayon, dapat niyo nga itong panoorin kung ang kilala niyo lang na Ben-Hur ay si Ben-Hur Abalos.
Hmmm... cross? Okay, gets. |
Ben-Hur. USA. 2016.
Original na rating: 7/10
Walang Ayelet Zurer nudity: -0.1
Walang Nazanin Boniadi nudity: -0.1
Chariot race sequence: +0.1
Naval battle sequence: +0.1
Dreadlocks ni Morgan Freeman: -0.1
Kagwapuhan ni Rodrigo Santoro: -0.1
Final na rating: 6.8/10
0 comments :
Post a Comment