Review: The BFG, o Maganda ang Unang Team-Up ni Spielberg at Disney
"BFG, dito ba nakatira ang mga Avatar?" |
Noong una kong nalaman ang pelikulang ito, at n'ung malaman kong ito'y sa direksyon ni Steven Spielberg, naisip ko na agad itong panoorin. At n'ung malaman kong based pala ito sa libro na sinulat ni Roald Dahl, sabi ko, "Fine, I'm watching this."
Ang mga pelikula ni Steven Spielberg ay hindi hit-or-miss. Wala naman siyang pangit na dinirect, sa pagkakaalam ko. Dahil ito sa cinematic language, kung saan fluent na fluent si Mr. Spielberg. Ang cinematic language ay universal–ito ang dahilan kung bakit ang foreign films ay maiintindihan mo kahit walang subtitles. Ang mga galaw ng camera, ang editing, ang pacing: lahat ito'y vocabulary ng language of cinema. Si Spielberg ay bihasa na sa language na ito. Dalawang klase lang ang pelikula niya: good, or great. Itong The BFG ay somewhere in between.
Si BFG, nanonorotot ng panaginip. |
Kung nabasa niyo ang The BFG ni Roald Dahl ay mapapansin niyo na itong gawa ni Spielberg ay more or less faithful adaptation ng original source material. Tungkol ito sa unlikely na pagkakaibigan ni Sophie (Ruby Barnhill) at ng Big
Kung mapapansin niyo rin, medyo iba ang formula ng film na ito sa mga usual children's films o animated films ng Hollywood ngayon. Huwag kayo mag-expect ng mala-Pixar treatment, kasi ang pelikulang ito ay hindi naman written for the screen. Tulad ng binanggit ko kanina, ito nga ay faithfully adapted mula sa Roald Dahl book, at dito pa lang ay ibang-iba na ito sa usual screenplays, dahil of course: Roald Dahl. Hindi ito ang typical run-of-the-mill Hollywood screenplay, primarily dahil sa faithfulness niya sa source material.
Maganda ang overall visual design ng The BFG, at kung fan ka ng aklat ni Dahl at ng mga illustrations ni Quentin Blake, mapapansin mo na parang straight out of the book ang character design. Noong makita ko ang mukha ni BFG, naisip ko, "Teka, parang kamukha niya 'yung nasa Bridge of Spies, ah. 'Yung Oscar winner." Kaya niya kamukha iyon ay kasi si Mark Rylance talaga iyon, at napakagandang mapanood sa big screen ang facial expressions at iba pang physical movements na siyang-siya talaga.
Si BFG ay hindi pa talaga giant sa lagay na 'yan. |
Itong pelikulang ito ang pangalawang venture ni Steven Spielberg sa digital filmmaking at motion-capture, at nakatutuwang isipin na para na siyang dalubhasa rito. Noong ginawa niya ang The Adventures of Tintin: The Secret of the Unicorn, iwan na iwan talaga ni Andy Serkis ang kanyang co-stars in terms of motion-capture acting. Pero dito sa pelikulang ito, ang ganda talaga panoorin ng mukha ni BFG. Dalawa lang ang naisip kong dahilan nito: 1) either ang layo na ng narating ng motion-capture technology mula 2011, or 2) napakagaling lang talagang aktor ni Mark Rylance.
Overall, hindi disappointment ang first collaboration ni Steven Spielberg at Walt Disney Pictures. Sobrang swak rin ang tambalang ito dahil medyo pambata ang tema ng pelikula, at medyo pambata rin ang forte ng Disney. Pero malamang hindi na maulit ang tambalang Spielberg-Disney, kasi mayroon namang sariling company si Spielberg (DreamWorks at Amblin). So sana sinamantala niyo na ang panonood nito sa big screen, dahil baka first and last film ni Spielberg ito under the Disney banner.
Gusto ko lang din sabihin na ang cute-cute ni Ruby Barnhill. Ang sarap lang kurutin ng pisngi niya. Super cute! Kung ako rin ang Big Friendly Giant at nakita ko siya sa orphanage, kukunin ko rin siya at hindi ko na siya ibabalik. Gagawin ko lang siyang display sa garapon. Sobrang cute kasi.
"Ang cute mo talaga! Sarap mo kagatin!" |
The BFG. USA. 2016.
Original na rating: 7/10
Mark Rylance: +0.1
Jemaine Clement: +0.1
Walang Rebecca Hall nudity: -0.1
Ututan sa Buckingham Palace: +0.1
Dream-catching sequence: +0.1
Final na rating: 7.3/10
0 comments :
Post a Comment