Review: Star Trek Beyond, o Isang Introduksyon sa Fractal Film Theory
So ang bida rito ay hindi si Kirk o si Spock. Hmm... |
Ano ang pagkakaiba ng narrative feature film sa ibang form ng cinema tulad ng experimental at documentary? Ang sagot: narrative arc.
Ang narrative arc o story arc ay crucial sa isang narrative feature. Ang isang audio-visual narrative ay tinatawag na "failure" kung wala itong kwento. "Story is the master", sabi nga sa film school. Bilang filmmaker, aalisin mo ang manonood sa mundong ito at dadalin mo sila sa ibang mundo sa loob ng humigit-kumulang dalawang oras. Ang tanging pakiusap lang nila ay huwag niyo sayangin ang oras nila.
Sofia Boutella, nakaupo na parang nasasayang ang oras niya. |
That said, hindi naman pangit ang kwento nitong Star Trek Beyond, at maayos naman ang direksyon ni Justin Lin. Isa siyang stand-alone film kasama na naman ang crew ng USS Enterprise na sina Captain Kirk (Chris Pine), Spock (Zachary Quinto), Dr. Bones McCoy (Karl Urban), Lt. Uhura (Zoe Saldana), Scotty (Simon Pegg), Sulu (John Cho), at si Chekov, played by the late Anton Yelchin in his last film.
Medyo manipis lang siguro ang film na ito dahil parang wala gaanong planet-hopping. Sa isang Star Wars film, marami-rami ang mga worlds na mabibisita mo bilang manonood. Ang Star Trek dapat ganoon din, tipong at least four different worlds sana ang napuntahan natin. Pero dito, parang kulang. 'Yung Yorktown space station, dapat hindi nga counted, kasi parang Earth din ang dating e.
Balik uli tayo sa usapin ng narrative arc. As a stand-alone film, wala naman problema ang pelikulang ito. May narrative arc naman, nasusundan naman ang kwento. Pero ang gusto ko lang sana sabihin ay ang narrative arcs ay sumusunod din sa konsepto ng "fractals" sa mathematics. Ang depinisyon ng fractal ay "a curve or geometric figure, each part of which has the same statistical character as the whole... in which similar patterns recur at progressively smaller scales". Ibig sabihin, ang isang bahagi ay kamukha ng kabuuan. Pero paano ito nagre-relate sa narrative arcs? Wait lang, hindi pa ako tapos mag-explain.
Halimbawa ng fractal. |
Halimbawa, sa isang television series, sabihin na nating Game of Thrones, ang isang episode ay may sariling narrative arc. May simula, gitna, at wakas. Ngunit ang isang episode ay isang bahagi lang ng kabuuan, at itong kabuuan na ito ay ang season, na binubuo ng ten episodes. Ang isang season din ay may sariling narrative arc (tawagin nalang natin itong "season arc"). Kapag matapos na ang buong series, ang lahat ng episodes mula sa pilot hanggang sa finale ay may sarili ring narrative arc (tawagin natin itong "series arc"). Lahat ng mga arc na ito ay nage-exist simultaneously, at hindi sila in conflict with the other arcs of the overall grand narrative.
Sana touch-move nalang ang pagsira sa Enterprise, para hindi na ibalik. |
Ibalik natin ang usapan sa Star Trek. Okay, so ang bawat pelikula sa bagong reboot (simula noong Star Trek ni J.J. Abrams noong 2009) ay may kanya-kanyang narrative arc bilang stand-alone films. Pero kung ia-analyse mo siya bilang isang trilogy, parang wala naman yatang trilogy arc. Hindi pa nga sigurado kung ito na ang huling film sa series na ito o kung magkakaroon pa ng Part 4. Kung mayroon mang Part 4, paano ito magta-tie up with the first three films to create a series arc na mukhang may patutunguhan?
Honestly, parang walang direksiyon ang current series ng franchise na ito. Ang dating ay para na siyang television series na puro stand-alone episodes at hindi alam kung mare-renew pa nang isa pang season. Sana lang hindi ito dahil co-writer ng screenplay si Simon Pegg. Hmmm... wait, kung iyon talaga ang balak ng producers nito, na bumalik sa essence ng original Star Trek TV show... well then, ang galing nila. Pero kung hindi naman pala, boo.
Bilang pa-konswelo, heto si Idris Elba na naka-shorts. |
Star Trek Beyond. USA. 2016.
Original na rating: 7/10
Sulu is gay: +0.1
Pagbitaw ng fake accent ni Sofia Boutella: -0.1
Idris Elba: +0.1
Final na rating: 7.1/10
0 comments :
Post a Comment