Review: Suicide Squad, o Hindi Pa Marunong Gumawa ang DC ng Ensemble Film
Squad goals: Break-even sa box-office. |
Si David Ayer ay hindi naman terrible director.
Si David Ayer ay isang writer-director, at ito ay isang valuable commodity sa Hollywood. Ang problema lang ay may kapit sa kanya ang studio na parang asong may kadena sa leeg.
Ang Suicide Squad ay hindi naman terrible film. Totoo, ito'y isang bagong type ng ensemble movie sa aspetong puro anti-hero ang mga bida rito. Pero pakiramdam ko ay solid ang original draft ng screenplay ni Ayer, at feeling ko rin ay maayos naman ang director's cut ng pelikulang ito. Pero siyempre, hindi na natin ito malalaman, dahil ang ni-release sa mga sinehan ay hindi na director's cut. Ang napanood nating lahat ay ang version kung saan marami nang in-alter at pinakialaman ang producers.
"Aminado naman akong mas magaling si Heath Ledger e!" |
Ang isang ensemble movie ay isang genre ng pelikula kung saan maraming characters ang bumubuo ng cast, at kung saan ang bawat character rito ay isang protagonist. Ito'y bagong genre lang, at ako lang ang nagpauso ng pangalang ito; nagsimula ito siyempre sa The Avengers ni Joss Whedon noong 2012, at halos ma-perfect na ng Marvel sa Avengers: Age of Ultron noong 2015. Ang Captain America: Civil War na nilabas early this year ay may multiple characters din, pero sa aking opinyon ay hindi ito maituturing na ensemble film dahil iisa lang ang main protagonist dito, at ito'y si Captain America.
Ang sikreto ng ensemble film ay ito: dapat buo ang development ng bawat character sa ensemble. Maari itong gawin the usual way, which is onscreen character development. Pero ang technique ng Marvel ay iba: i-develop na ang mga individual characters through their own stand-alone films.
"Ganda ng shirt mo. Pero baliw ka pa rin." |
Ito rin ang binalak ng DC sa pag-release nila ng Suicide Squad. Dahil hindi nila nabigyan ng sariling stand-alone films sina Harley Quinn (Margot Robbie), Deadshot (Will Smith), Diablo (Jay Hernandez) at Enchantress (Cara Delevingne), dinevelop nalang ang characters nila onscreen. Pero dahil dito, naubos ang oras sa character development nila habang ang ibang characters naman ay hindi na gaano na-flesh out. Sana 'yung sequence ni Amanda Waller (Viola Davis) involving 'yung dossiers n'ung mga criminals ay ni-release nalang nila online bilang promotional materials dahil nakasira ito sa flow ng kwento.
Ang character development ni Joker (Jared Leto) ay umaasa sa prior knowledge ng manonood at sa pop culture status ng character. Si Killer Croc (Adewale Akinnuoye-Agbaje) ay interesting character sana, pero hindi ito na-develop dahil kulang sa oras. Gayoon din si Boomerang (Jai Courtney), bagaman hindi masyadong ganoon ka-interesting ang character nito. E si Slipknot, a.k.a. "the man who can climb anything"? Patay agad. Walang kwenta. Actually, 'yung buong plot ay weak. Parang mas nangibabaw ang pagligtas nila sa love life ni Rick Flag (Joel Kinnaman) kaysa sa pagligtas ng mundo.
Ang tanong, maisasalba pa kaya ng DC ang Justice League na lalabas next year? Sana naman. Si Zack Snyder ang hahawak nito, sa panunulat ni Chris Terrio, na siya ring sumulat ng Batman v Superman: Dawn of Justice. Pero actually, kahit na gaano ka-brilliant ng creative team ng isang pelikula, wala rin itong kwenta kung ang producers ay nanonood sa likod nila at nakikialam. So sana bawas-bawasan ang pakikialam at hayaang mag-flow ang creativity, kasi ito ang kinakailangan ng DC ngayon kung balak pa nila habulin ang Marvel at their own game.
Bigyan niyo na ng stand-alone film, utang na loob. |
Suicide Squad. USA. 2016.
Original na rating: 6.5/10
Scary at dark na Enchantress: +0.1
Maagang pagkamatay ni Slipknot: -0.1
Manipis na characterisation ni Joker: -0.1
Back story ni Deadshot: +0.1
Back story ni Harley Quinn: +0.1
David Harbour from Stranger Things: +0.1
Final na rating: 6.7/10
0 comments :
Post a Comment