Da Couch Tomato

An attempt at a new layout, with horrible glitches, and very minimal knowledge of HTML.

Review: The Get Down, o Ang History ng Hip-Hop na Gawa ng Isang White Guy

Graffiti sa tren. New York na New York.

Noong makita niyo ang promotional materials para sa The Get Down, malamang pareho tayo ng naisip: Oh, a show about hip-hop? Malamang parang Empire lang 'to, pero set in the 70s. Well actually, medyo parang Empire siya, pero hindi rin.

Siyempre, dahil si Baz Luhrmann ang co-creator nito, alam mo na more or less kung ano ang ie-expect. Malaking production ito, tulad ng ibang Baz Luhrmann films na Romeo + Juliet at Moulin Rouge, The Great Gatsby, at Australia. Sinasabi nga na ang The Get Down ay ang most expensive show ng Netflix, at one of the most expensive shows ever produced for television. At dahil si Luhrmann din ang co-writer at director ng pilot, na-set na niya ang standard para sa buong series.

Maganda ang production design ng series, at kasama na rito siyempre ang costume designs. Straight out of the 70s, lalo na ang graffiti sa mga pader ng Bronx, ang red Puma sneakers ni Shaolin Fantastic (Shameik Moore), ang afros nina Ezekiel (Justice Smith) at Dizzee (Jaden Smith, na uncredited, surprisingly), at ang disco costume ni Cadillac (Yahya Abdul-Mateen II).

Hindi ko lang alam kung totoong footage of old school New York ang ibang eksena na ginagamit pang-intercut sa mga scenes. Pwedeng totoong footage 'yun, or pwedeng modern footage na nilagyan nalang ng film grain para magmukhang luma. Si Grandmaster Flash pala ay totoo. I mean, totoong tao siya na master ng turntables at pioneer ng hip-hop music. Sa show, siya ay pino-portray ng isang actor na si Mamoudou Athie. Pero 'yung totoong Grandmaster Flash, na obviously matanda na, ay associate producer sa show na ito.

Shaolin (kanan) at Flash (kaliwa), na medyo kamukha ni Pharrell.

Dahil ito'y tungkol sa hip-hop, hindi talaga maiiwasan ang mga comparison sa Empire, ang hip-hop show ng Fox na lumabas noong 2015. Actually, malayo ito sa Empire. Ang magkatulad lang siguro sa dalawang shows ay ang African-American, hip-hop music, at New York City. Ang Empire ay mas katulad ng Glee, kung saan may mga original songs. Sabi nga ng British rapper na si Rodney P tungkol sa The Get Down, "I was worried. I saw the trailer and I thought, 'This is gonna be like a hip-hop version of Glee." Buti nalang hindi.

Magaling din ang casting para sa show na ito. Maganda ang chemistry ng DJ na si Shaolin at ng kanyang wordsmith na si Ezekiel, a.k.a. Zeke. Ayos din ang magkakapatid na sina Dizzee, Ra-Ra (Skylan Brooks), at Boo-Boo (Tremaine Brown, Jr.), pero parang tinamad ang writers mag-isip ng pangalan nila. Sa adults naman, ang galing ng mga veterans na sina Jimmy Smits at Giancarlo Esposito bilang magkapatid na magkalayo ang hitsura at landas. Pero ang pinakabida talaga rito ay si Mylene (Herizen Guardiola). Ang galing lang ng boses. At ang ganda pa niya.

In terms of narrative pacing, maganda ang pilot dahil na-hook ako agad. Ang isang indicator kung magiging maganda ang series ay ang pilot, dahil kung hindi ka na-hook sa pilot, hindi mo pagtiyatiyagaan panoorin ang mga susunod na episode. Pero ayos ang pilot, at hindi lang dahil si Baz Luhrmann ang nag-direct. Kaso lang, natapos ang six episodes na parang isang buong season na. Mid-season break lang dapat iyon, dahil twelve episodes talaga ang Season 1. Pero buo na siya e, at malamang ang magiging feel ng next six episodes ay Season 2. Hindi lang ako sigurado, so baka may surprises pa si Luhrmann up his sleeve.

Nakaka-bother ang pekpek shorts ni Boo-Boo.



The Get Down. USA. 2016.



Original na rating: 7/10
Walang Herizen Guardiola nudity: -0.1
Jimmy Smits bilang Papa Fuerte: +0.1
Kevin Corrigan bilang Jackie Moreno: +0.1
Kevin Corrigan na taga-Bronx talaga: +0.1
Medyo corny na rhymes ni Nas: -0.1
NYC graffiti: +0.1
Speech ni Zeke sa Episode 6: +0.1
Grandmaster Flash: +0.1
Final na rating: 7.4/10

0 comments :

Premium Blogspot Templates
Copyright © 2012 Da Couch Tomato